Friday, January 31, 2020

"And miles to go before I sleep" - Luke 2:22-40

KAALAGAD Gospel Reflection – February 2, 2020

Presentation of the Lord

Luke 2:22-40


22When the time came for their purification according to the law of Moses, they brought him up to Jerusalem to present him to the Lord 23(as it is written in the law of the Lord, “Every firstborn male shall be designated as holy to the Lord”), 24and they offered a sacrifice according to what is stated in the law of the Lord, “a pair of turtledoves or two young pigeons.”

25Now there was a man in Jerusalem whose name was Simeon; this man was righteous and devout, looking forward to the consolation of Israel, and the Holy Spirit rested on him. 26It had been revealed to him by the Holy Spirit that he would not see death before he had seen the Lord’s Messiah. 27Guided by the Spirit, Simeon came into the temple; and when the parents brought in the child Jesus, to do for him what was customary under the law, 28Simeon took him in his arms and praised God, saying, 29“Master, now you are dismissing your servant in peace, according to your word; 30for my eyes have seen your salvation, 31which you have prepared in the presence of all peoples, 32a light for revelation to the Gentiles and for glory to your people Israel.” 33And the child’s father and mother were amazed at what was being said about him. 34Then Simeon blessed them and said to his mother Mary, “This child is destined for the falling and the rising of many in Israel, and to be a sign that will be opposed 35so that the inner thoughts of many will be revealed—and a sword will pierce your own soul too.” 36There was also a prophet, Anna the daughter of Phanuel, of the tribe of Asher. She was of a great age, having lived with her husband seven years after her marriage, 37then as a widow to the age of eighty-four. She never left the temple but worshiped there with fasting and prayer night and day. 38At that moment she came, and began to praise God and to speak about the child to all who were looking for the redemption of Jerusalem. 39When they had finished everything required by the law of the Lord, they returned to Galilee, to their own town of Nazareth. 40The child grew and became strong, filled with wisdom; and the favor of God was upon him.

 "And miles to go before I sleep"


Ang ritwal ay kakambal ng relihiyon. Halos lahat ng mga samahang may paniniwala sa ganito't ganoon ay may mga minamarkahang mga pista, pasko, anibersaryo, mahalagang mga araw at pangyayari na natatangi. Sa mga pagkakataong ito, may mga prusisyon, pagtitipon, pagbabasa ng mga kredo, pagsalaysay ng mga lumang kwento, pag-alaala ng makasaysayang mga katotohanang pinanghahawakan ng may mga pinanghahawakan.

 Maging ang mga fraternities, sororities, clubs ay may mga rites of passage, mga pagsusulit na nagtitiyak na ang mga kasapi ay mga kasapi. Maging ang hanay ng mga sundalo ng Estado, o di kaya'y sa kabilang panig ay kilusang rebolusyonaryo, ay namamanata sa kani-kanilang bandila ng mga may bandila.

 Ano't anupaman, sa hinaba-haba na ng aking paglalakbay at paggalugad sa ibabaw nitong sinasabing mundong makasalanan, may mangilan-ngilang bagay na aking namamalas at nasasabing totoong ganun nga ang totoo. At ang isa sa mga totoong ito, ay ang totoong ayon sa kani-kanilang mga topak, lahat ng tao — ay deboto. At napag-uusapan na rin lang ang pagka-deboto, hindi nagpapahuli sa patimpalakang pananampalatayang relihiyoso ang mga Kristiyano.

 Datapwat gaano man kahalaga ang simbolo, ang buod ay hindi talbos ng uod, bagkus uhay ng buo. Banggit sa bungad pa lang ng kwento, ito ay hinggil sa mga purifications rites required by Law. Sa kabilang banda, ang sinasabi naman ng 1% ng mga abogado, hindi abogasya kundi 'ika "spirit of the law" kamo. At dito ako nababalahaw sa Ebanghelyo ngayong linggo. Tulad malamang ng marami sa inyo, ako rin mismo ay hindi "maka-relate" sa kwento.

 Pakisangguni na lang po ninyo sa ating mga teologong kaparian at obispo, o itanong mo kay Soriano. Kung ano nga ba ang ginawa sa inyo ng mga kalapati at mga kalapati (na siyang Tagalog ng "doves and pigeons" sakaling di n'yo pa alam) — at kailangan talaga silang patayin alang-alang sa ikatatanghal ng ritwal ng tao! Nai-imagine ko tuloy ang umuusok na mga ilong ng taga-PMPI (Philippine Misereor Partnership Inc.)  na mga deboto, "Nasaan ang CHR? Nasaan ang Rights of Nature!"

 Sa ganang payak na utak ng mga gaya ko, ang tanging nasisilip nang di alintana, ay ang dalawang matatandang misteryosong mga propetang Simeon at Anna. Ang kanilang buong buhay ay ginugol at "nilustay" sa pag-aantabay ng tupang mag-aalay ng kanilang buhay, sa ikataguyod  at isakatuparan ng kanilang pakay. Sabi ng isang fan ko, ngayong nakita ko na po kayo  — pwede na akong mamatay!

Wala kasi pating shortcut ang daan ng rebolusyon. At sa mga ibig magtagumpay, ang pustahan sa sugal na ito ay buong buong buhay.

 Naalala ko ang huling saknong ng tula ni Robert Frost na  "Stopping by Woods on a Snowy Evening"

 The woods are lovely, dark and deep,
But I have promises to keep,
And miles to go before I sleep,
And miles to go before I sleep.

 Sa tuwing nabubuyo na mga oportunidad, sa mga pagkakataong nahuhumaling sa mga seguridad, alalahaning ang komprehensibong pagbabago ng komunidad — ang pagdating ng Kristong Mesias, ang ganap na kaganapan ng mapagkalinga at makatarungang lipunan. Ay isang habangbuhay na adhika ng isang Kaalagad.


GARY GRANADA

KAALAGAD Member

No comments:

Post a Comment